Wednesday, June 3, 2009

Job hunting (again) na nagmistulang catering service

Nag-daan ako sa isang episode. Hindi ako masaya sa ginagawa ko. Hindi walang kwenta ang trabaho ko, at may kinalaman naman ito sa pinag-graduatan kong kurso. Hindi lang talaga ako masaya dahil hindi talaga naman yun ang gusto kong gawin.

At madali din naman ako naka-move on. Umpisa palang naman, nung pumirma ako ng kontrata, sinabi ko na sa sarili ko na kukuha lang ako ng experience sa pagtatrabahuhan ko. Kaya ngayon, nang nayaya ako ni Janela na mag-pasa ng resume sa GMA at ABS-CBN, hindi ako nag-dalawang isip na sumama.

Anyway, mag-eexpire na ang kontrata ko sa Friday at hindi ako sure kung i-rerenew ako (actually, parang irerenew ako kasi nasa list of employees for June ako).

Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga kaibigan ko at ilang malalapit sa akin na fan ako ng Daisy Siyete. Ano?! Walang basagan ng trip. Kilala ko lahat ng sexbomb girls.haha At pangarap kong maging writer duon. Kaya yun talaga ang goal ko simula pa nung last year ko sa college.heheh

Nung Monday, maaga ako nag-punta sa Starmall, kasi sa Mandaluyong manggagaling si Janela. Isang oras lang naman ako nag-hintay na duamting si Janela. Walang kainip-inip. Ang layo kasi ng pinanggalingan niya, Mandaluyong pa, ako Antipolo lang, walking distance (oo te, hindi pa tapos ang litanya ko sa pagka-late mo!)

May naihanda narin akong script pag nagkita na kami.

"At seven o' clock mo pa balak mag-kita tayo ha? Ang kapal ng mukha mo, nakakatingin ka pa! Hindi ako nag-dudrugs!"

Eh pagdating ni Janela, nakalimutan ko na yung script ko. Napili ko nalang tumawa.

Parehong pareho kami ng damit na suot--puti na blouse at black na pants. MUKHA KAMING MAG-CACATER SA KASAL.haha

At natawa ang tita ni Janela sa itsura namin.haha

Una naming pinintahan ang PDEA (uulitin ko, Hindi ako nag-dudrugs!). Meron daw kasing vacancy dun at nirefer ni Sir Arjay kay Janela ang trabahong yun.

At natawa ulit kami ni Janela. Hindi man lang kami pinansin ng guards. Bakit? Nalaman nalang namin yan nang pumasok na kami (kumuha parin kami ng visitor's id).

AY PARANG PAPASOK LANG PALA KAMI SA TRABAHO DUN. KATERNO NAMIN ANG UNIFORM NG MGA TAGA PDEA.hahaha

Siyempre si Janela, may baong sapatos, tanggal, suot, tanggal, suot.hehehe

Habang naglalakad kami papunta sa DDB, iniisip ni Janela,

Tapos tumawid kami papunta sa GMA. Kinita namin si Ate Jeng na nag-tatrabaho sa QTv. Nakipagkwentuhan, maraming nalaman. Sabi ni Janela, gusto daw niyang makita si Howie Severino. Magugulat ka ba kung sasabihin kong, a few minutes later, nakita nga namin siya, naka-vest.hehe kabog ang mga vest ni cha (nag-iinarte lang naman mga vest nun eh.hehe)

At nakita namin si Chynna Ortaleza. Ang puti. Nakakadisturb daw chucks niya sabi ni Janela. Super high cut kasi.hehe

Tapos nagpunta naman kami ng ABS-SBN. Ang layo ng narating ng resume namin...sa guard.hehe

may nakita kaming pila, sabi namin...sama kaya kami...sabihin namin sa catering service kami.hehe

Pila daw sa bingo nights yun. Muntik na kami makanuod ng Rufa and Ai. kUng hindi lang kami naubusan ng ticket.hehe Sabi ni Janela,
"Sabihin nalang natin, tayo yung pinadala ng catering service. malelate kasi kaya piandala tayo para mag-entertain.haha"

At ang haba na ng entry na ito at sobra na break ko sa trabaho.hehe

Anyway, masaya ang araw na yun. sana matanggap kami. Nag-apply din pala kami sa TAPE Inc. pero next time ko nalang ikukwento...baka masira ang system ng multiply sa sobrang haba ng storyang yun.
=)

Sana matanggap kami Lord.=)

13 comments:

  1. inggit ako washu!!! haha

    wow bonggang bongga naman ang araw niyo ni janela. lol

    never ko pa nagawa mag lakwatcha (este job hunting!) ng ganyan sa P.I. ha.

    haha. sana nga maging writer ka for daisy siete at chak na manonood nako!

    wahaha. caterer ka pala?! haha joke.

    ReplyDelete
  2. hahaha

    feebz...sana nag matanggap kami duon...at masulatan ko ng storya sila rochelle, jopay, at si mia nga pala ang favorite kong sexbomb dancer.hahah

    uo...mga caterer kami.haha mga caterer na gutom! hahah how ironic.haha

    ReplyDelete
  3. hahaha

    feebz...sana nag matanggap kami duon...at masulatan ko ng storya sila rochelle, jopay, at si mia nga pala ang favorite kong sexbomb dancer.hahah

    uo...mga caterer kami.haha mga caterer na gutom! hahah how ironic.haha

    ReplyDelete
  4. ATE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  5. pero natuwa ako..kung hindi ka lang nagsasabi na anik anik..haha Lord sana nga matanggap kami sa sexbomb hahaha...

    ReplyDelete
  6. at alam ko kasi gumagawa ako ng essay te..alas nuwebe na..haha

    ReplyDelete
  7. ay teka..magpapaliwanag pala ko..kasi kung 7am hindi ako malelate, dhil sabay kami ng pinsan ko..at dahil ako nalate ng bongga, ayaw akong payagang umalis magisa, kasi may mama daw..haha kaya tinapos niya muna lahat ng customer niya bago ako hinatid..hehe sorry..

    ReplyDelete
  8. alin ba yun? yung sa exgirlfriend ni sir arjay?hehehe

    ReplyDelete
  9. hehe galingan niyo...mahirap exam.hehehe

    ReplyDelete
  10. uo narinig ko na yan.haha quits na naman kasi nalate naman ako ng tatlong oras nung thursday.hahaha

    ReplyDelete
  11. "kasi may mama daw..haha kaya tinapos niya muna lahat ng customer niya bago ako hinatid."

    Ate, tunog "escort service" naman ang sentence na ito.hahaha

    ReplyDelete
  12. di ko alam na fan ka pala ng daisy syete. wla na ako sasabihin, sabi kasi " if you have nothing good to say it's better to just say nothing". haha. peace washu.

    ReplyDelete
  13. ewan ko sayo. bruha ka.hahahaaaaaaaaaa

    ReplyDelete