Monday, December 29, 2008

slumber party kela ate eten...so highschool=) (may mga ginrab ako galing sa page ni patchi=)




HINDI KO NA NA-EDIT PICTURES DITO...SORI hehehe

batch nila ate noemi at batch namin nila patty sa Shiloh Learning Center...

At dahil ilang araw nalang at babalik na ng Hawaii si Ate Eten... ayun, nag-overnight stay kami kela ate eten...si ate abba wala kasi na kela ate letlet daw siya, nagiinternet.heheheh

nagpunta muna kami ni Ate Noemi kela Patty kasi naki-photoshop at internet ako...(kasi nga, naiwan ko cord ng laptop!)

tapos kela Ate Eten na kami, kumain ng fries, burger, shawarma, cake.hay.

nahiya naman mag-inom ang mga tanders...nahiya daw sakin,hahaha

kaya ayun nanuod nalang kami ng Veronica Mars, kumain ng Holy Kettle Corn na cheese flavor...masarap pala, first time ko, at nanuod ng First Time ng viva hot babes (nawindang ako...hindi marunong umarte si Gwen Garci!?! Karirita ha. naghihintay siya ng cue.)

pagkatapos nun, pinaglaruan namin mga sapatos ni ate eten na sangkatutak at ang sablay ni ate abba, and i've decided na silk ang bibilhin ko.hehehe


eh nagenjoy sila sa kakasukat ako naman sa kakapicture...kaya ayun nag-dress up na sila at nag-makeup...

Si Patty, ang aking bestfriend since grade three nagmala-pussycatdolls, yun daw tawag dun sa look na 'yun.hehehe ang ganda ganda niya, hahaha kelan kaya ako papayat? magkasing taba kaya kami niyan dati.hahaha


Si Ate Bebb, schoolgirl slut daw. eh hindi talaga magmukhang slut si Ate bebb, kaya schoolgirl nalang.hehehe kyut naman, may pictures kami na mukhang Giordano.hehehe

Si Ate Noemi, HIPPY...at in fairness, napull-off niya ha...hehehe at siya ang may pinakamaraming pictures dahil sinarili niya ang kamera.


Si Ate Etz, Goth siya...at siya ang pinakamatagal minakeupan.hehehe
malamang, kasi siya nag-makeup sa sarili niya eh...tapos ang hirap ng concept niya.hehehe

Super nag-enjoy ako.hehehe thanks ate Etz sa accomodation...feeling highschool ulit ako.=)

Friday, December 26, 2008

Ate Noemi nd Ate Etz visit sa Baguio




Nakakatawa...hindi ko alam kung san dadalhin sila ate sa Baguio...ang alam ko lang mga kainan...hahahah

Salamat naman kay Sir Amor at sinuggest niya na mag-Diplomat kami...tuwang tuwa sila...para ngang gusto na namin mag-vigan bigla...hehehe


ayun at dahil wala na akong damit...nakashorts ko at ang laki ng patatim ko...hahahah

getting balloon-crazy before Pasik!




Hinyang ako sa props ko sa creative shot ko...kaya ayan naglaro ang Pepe Squad kasma si Umarnold =)

Labas tiyan ko sa jump shots.hahaha si cha din!

try din namin kung tutoong hindi gagraduweyt ang may picture kasama si Oble! hahaha

Monday, December 22, 2008

yearbook testimonials.

ito yung mga nabola kong magsulat ng testimonilas para sa akin...hehehe

sobrang na-touch ako sa mga pinagsasabi nila kaya...magpapaburger ako!!!hehehe

seriously, hindi na ako makahintay na i-share sa lahat kung gaano ako ka-blessed na may mga kaibigan akong katulad nila...pasensya na pala...medyo may na-edit ako sa actual na pinasa ko.=)

“But they that wait upon the Lord shall renew their strength; they shall mount up with wings as eagles; they shall run, and not be weary, and they shall walk, and not faint.”

                                     Isaiah 40:31(KJV)

 

 

Eunice…henya ka talaga!

                                                  Alexis, (one of my closest friends since grade school...nakakatuwa kasi naalala niya na feeling henya ako noong bata ako...at least hindi niya sinabi na ako ang tunay na "emo", "psycho" at kung anu-ano pa...hehehe)

 

She can’t keep a secret even to save her life (hahaha). But seriously, Washu is a really good friend and I trust her with my life (I would pray that she doesn’t get me killed…if ever.) haha -Gracey(blocmate, CAC2, 05...sa bloc namin, siya ang nakatolerate sa kakulitan at kaweirdohan ko...hehehe friends ko din naman yung iba, pero si Grace ang kaklose ko talaga.=))

 

Kala ko mejo makwento, kala ko mejo matino, kala ko okay lang na friend…di pala…

Sobrang daldal, sobrnag kulet at sobrang isa sa mga super friends na meron ako. Panalo ‘to, c Washu.

                                                    -Ina(noong sophomore naging ka-close ko si Ina, kasi magkalapit kami ng bahay kaya lahat ng ginagawa namin, magkasama kami...kapag bumababa ako ng Antipolo...i see to it na nagkikita kami...marami ako'ng nashare na moments sa kaniya.)

 

…almost perfect…            -Te Lai(ngayon ko napatunayan na ibang iba pala ang image ko sa bahay...hahaha si Ate Lai ang kabahay na pinapngarap ng lahat...sobrang mahal na mahal ko siya dahil alam kong ganun din siya sa akin.=)

 

 

For the past few months, I’ve been hoping to bump into Eunice everyday. Truth is, I’m a big fan of her comic antics and her undeniably happy, perky, colorful disposition in life. To say that she amazes me is an understatement. Although her endearing, childlike ways sometimes betray her wisdom that is beyond her years, one has to only experience the gift that Eunice possesses in order to realize that she could be one of your favorite people on earth. What’s her gift? It’s actually her ability to be a chameleon: from my being easygoing student, she had been a very sensitive housemate, a loyal friend, and an overly caring sister to me. She’s one of my favorite people on earth, how can I complain?

                                             -Sir Amor(hindi talaga ako comfortable na tawagin siya sa kaniyang first name...hahaha may isa din akong tawag sa kaniya..."Kuya Sir" noong magkabahay pa kasi kami, sabi niya sa akin..."Kuya nalang ang itawag mo sa akin." eh uneasy parin ako, kasi...duh! instructor ko kaya siya!!! hehehe kahit may mga moments na hindi maganda between us...alam kong most of the time na maaalala ko tungkol sa kaniya, magaganda...hehehe kasi sobrang bait niya...pramis...subukan niyo siyang kaibiganin.=)

 

Eunice ang pangalan niya sa cellphone ko. E sa simula at E sa dulo. Isang malaking E! Tulad ng lagi niyang reaksyon, “Eeeee, ayaw ko sabihin, pero ganito kasi yun, secret lang natin to ah”, o kaya “Eeee, sa Gobi na lang kasi”. Ganyan siya, hindi mo pa siya pinipilit pero sasabihin na niya, dahil hindi mo na kailangang pilitin ang isang Washu para lang tumulong at magbigay (pwera lang sa kasuy). Huli man lagi ang “subtitle” niya, kakaiba man ang lengguahe ng utak niya pero hindi mo naman mabubuo ang salitang extraordinary, eccentric at exceptional kung wala ang isang malaking E!

-Janela(bale si Pipay ang nagrepresent sa Pepe Squad...Cha, Jeraine...hindi ko alam kung ano'ng itsura ng college life ko kung wala sila...pramis...siguro walang laman ang multiply ko...hehehe ayokong magsabi pa nang marami...kasi...nadiyadiyahe ako...heheheh siguro sa graduation na...lam niyo naman na cryer ako...nyaks!)

 

Sana’y sayong pagtatapos magkaroon ka ng masaganang buhay. Dahil yan lang ang hangad naming pamilya mo. Drama ba? Pero totoo yan. Huwag mong sabihing hindi magiging maganda ang bukas. Isipin mo ham yan. Masarap. Malasa.=D

                                 -Ate Noemi (kahit parang hindi testimonial ang ginawa ng kapatid ko kung hindi message...nacapture naman niya ang buong pagkatao ko...hay...oo, mahilig po akong kumain...at oo, pessimistic ako most of the time...pero family ko lang talaga ang pinaka nagbibigay ng hope sa akin...laging nga nilang sinasabi na "Maswerte ka, kasi Si God ang sentro ng pamilyang ito." anyway, ayun...sila ang main disciplers ko sa aking spiritual life, kaya I'm continually growing. =)

 

grad pic toga




usual kong nakikita sa mga description ng nagpopost ng ganito... "UNEDITED"

Thursday, November 13, 2008

Wednesday, November 5, 2008

Sem Break with Ina and Michelle




Dahil ayaw akong payagan na lumabas ng Antipolo, ayan...nagpunta nalang sila Ina dito sa Antipolo...hehehe nagluto ako sa bahay tapos nagkape kami sa "crib".. ayun kwentuhan kami to the max.

pero nag-enjoy ako, meaningful ang sem break dahil sa kanilang dalawa. =)

THESIS KO!!!!!




Hehehe!!!


Finally, matapos ang tila walang katapusang sleepless nights...natapos na ang thesis ko. =)

Salamat sa lahat ng tumulong sa akin. salamat kay Sir Amor! =)

Tuesday, October 28, 2008

Janela's photoshoot




ang bonggang bonggang photoshoot ni Pipay... ito yun. ang saya, kasi kahit nagpersonal assisstant ako ni Pipay ay nag-enjoy din ako dahil nakakuha din ako ng photos.
make-up by Jona Orate

‘Te Noemi, the wonder titser!: isang pagtingin sa mga public school teachers.


Ngayong kolehiyo ako natutong humanga sa mga public school teachers. Sa UP ko kasi nakilala ang mga matitiyagang instructor na nagtuturo hindi dahil sa pera kung hindi dahil sa investments sa mga bagay na tunay na magtatagal. Pero nalaman ko na hindi lang pala sa UP mayroong ganitong klase ng mga titser, mayroon din pala sa loob ng tahanan ko.
Sa UP nakilala ko ang mga instructor na nagtitiis sa pagtuturo nang nagpoproject ng presentation sa isang puting tela na thinumbtacks sa blackboard. Mayroon din namang nag-hihirap na gumawa ng visual aids na kartolinang makukulay para ma-stimulate ang mga studyanteng makinig (Isa rin siguro sa mga dahilan nito ay dahil sa kakulangan sa equipment sa eskwelahan.
).  
Sa talino at husay nila, maari silang magtrabaho sa mga kumpanya na pwedeng magpasweldo nang malaki. Kahit na ganoon, pinipili parin nilang manatili sa pagtuturo nila sa isang public school.
Pagdating ng sweldo, matapos ang hirap sa pakikipag-agawan sa projector, sa puting tela at thumbtacks, sa nakakapagod na pagtuturo nang napaka-animated, sa pag-gawa ng visual aids, sa pagchecheck ng “trak-trak” na papers at exams, kakarampot parin ang nakukuha nila.
Pinakita sa akin ni Sir Amor ang salary report niya sa isang buwan. Sa isang linggo, mahigit sa 2k ang kaniyang sinusweldo. Sa loob ng isang buwan, mahigit 13k ang kaniyang kita. Napaisip ako kung paano niya ito napagkakasiya sa taas ng bilihin ngayon. May inaalala pa siyang bayarin sa kuryente, tubig at bahay. Paano pa kaya ‘yung mga instructor na may mga anak na pinapaaral?
Dito ko naramdaman na hindi naman talaga pera ang dahilan kung bakit nananatili ang mga titser na ito sa public school. Natutunan ko ang dahilan nito ay ang dedikasyon ng mga public school teachers na mag-punla ng pagbabago sa kabataan para sa kaunlaran ng kinabukasan.
Pero, sa lahat ng public school teachers na nakilala ko, ang Ate Noemi ko ang higit na nagpakita sa akin nito.
Kilalang-kilala ko ang ate ko. Pero, noong nagkolehiyo ako, minsan na lang kami nagkakasama, kaya tuwing semestral at summer break lang kami nagkakakilanlan pa.
Ngayong sem break nga, nakilala ko si Ate Noemi bilang isang public school titser. Ito ang unang taon ng pagtuturo ng ate ko sa public school. Dahil baguhan pa lamang siya, nilagay siya sa last section (section 16) ng grade one. Ito ang hell section ng public schools. Dito pinakamarami ang studyante. At bukod pa doon, hindi pa marunong magbasa ang mga bata.
Isang araw, dinalaw ko ang ate ko sa trabaho niya. Pagpasok ko sa classroom niya, ang naisip ko lamang ay, “Naku po, Diyos na mahabagin.”
In fairness naman to my ate, compared sa noong una kong nakita ang classroom na iyon noong June ay mayroon ng pintura ang pader, tanggal na ang anay na tumatawid na pa-ekis-ekis sa kalagitnaan ng sahig ng classroom, wala ng nag-suswing-swing na putol-putol na kable ng kuryente sa kisame, at isang sulok na lamang ng kisame ang nakanganga. Marami nga namang pagbabago ang naganap sa classroom na iyon.
Pero, Diyos na mahabagin. Matay ko mang isipin, kung ako ang titser sa classroom na iyon, hindi ako tatagal ng isang araw, dadalawin na lang ako ng pamilya ko sa ospital.
Pagbukas ko ng kinakalawang at nayuping bakal na pintuan ng classroom na iyon, tumambad sa akin ang nagmimistulang gubat na paligid ng pinagtuturuan ni Ate Noemi. Parang nag-momorph into jungle trees ang mga pader at may mga batang parang pinakawalan mula sa hawla na nagtatalunan, naghahatakan at nagtatakbuhan.
Habang nagkakandamalat-malat si Ate Noemi sa katuturo nang pasigaw, ang mga bata ay nagtatalunan at nagtatawiran sa ibabaw ng mga lamesa at ang ilan pa nga ay nagsusuntukan. May mga batang hindi suot ang kanilang blouse o polo at ito ay nakasabit sa kanilang balikat, mistulang mga siga kung umasta.
Ang nasabi ng ate ko nung nakita niya ako, “Hay, naku. Grabe si Bien.” Sa dami ng mga estudyante na nagkakagulo sa classroom niya, may isang batang tumitimbang sa kakulitan ng lahat ng mga batang ‘yun, dahilan para siya ang bigyan ng pansin.
Nang makita ko si Bien, nagulat ako dahil dugu-duguan ang polo at sando nito. Pero sa kabila noon, nakikipagkulitan pa ang bata sa mga kaklase niya.
Kasama ko ang tita ko na pinuntahan si Ate Noemi sa school, i-eenroll niya kasi ang mga pinsan ko doon (ito isa pang nakakalokang kwento ito, pero wala nang kinalaman sa public school teachers ito kaya next time ko nalang i-bablag). Kaya naman, sinamahan muna ni Ate si Tita sa opisina ng principal. Naiwan ako sa classroom para magbantay ng mga studyante ni Ate.
Dahil nagtatakbuhan ang mga bata, sinubukan ko silang sawayin. Noong nagsalita ako, hindi marinig ang boses ko kaya naman nilakasan ko ito. Ngunit hindi parin ito marinig kaya naman humugot ako ng hangin mula sa diaphragm ko at sumigaw ako sa mga bata para maupo sila. Naisip ko na kaya naman pala simula noong June ay hindi na gumaling ang malat ni Ate Noemi. Imagine, yung effort ko ng pagsigaw para lang sa isang sentence ay ginagawa niya sa loob ng limang oras, araw-araw sa nakaraang limang buwan. Walang epekto sa mga bata ang pag-sigaw ko kaya naman nakipagkwentuhan na lang ako sa iilan na nakaupo.
Sabi ng isang bata, “Si Bien po, pinaiyak si titser.” Nagulat ako, naisip ko na nagbibiro lang ang bata dahil hindi naman iyakin si Ate.
Samantala, maya-maya, may mga bata na gustong mag-CR. Sabi ko isa-isa lang pero halos lahat sila ay bumaha sa akin at halos mapagtulakan nila ako palabas ng classroom. Sabi ko, “O sige alphabetical order nalang.” Lalo akong nalito dahil sabayang isinisigaw ng mga bata ang mga pangalan nila sa akin. Kaya naman pina-CR ko nalang silang lahat. Noong panahong ‘yun, na-imagine ko ang mga nasawi sa Ozone Disco, kung paano sila nagbubumaha, nagtutulakan, naghahatakan, nagkakandarapa at nagkakadaganan palabas ng pintuan.

Kaya naman, laking pasasalamat ko na bumalik na si Ate Noemi. Ayun, medyo na-regulate ang kaguluhan sa classroom. Noong, medyo tumagal na ako doon ng halos isang oras, naramdaman ko na tumatagaktak na ang pawis ko. Dalawa lamang ang bintilador sa classroom na iyon, at kahit isa doon, wala akong naramdaman na umaabot sa akin ang hangin.
Halos siksikan sa dami ng mga bata ang classroom at lalo pang sumikip dahil pinagdikit-dikit ang mga lamesa sa gitna dahil sa mga boxes ng noodles na patung-patong sa gilid. Kaya naman pala hindi matagalan ng mga bata na suotin ang kanilang mga uniporme at sinasabit na lang nila ito sa balikat nila ay dahil sa sobrang init.

Noong matapos na si Ate na magturo ay nakipagkwentuhan ako sa kaniya. Sinabi ko sa kaniya na sabi ng isang bata doon na pinaiyak daw siya ni Bien. Naawa ako kay Ate dahil noong narinig niya na sinabi ko yun, biglang namula at namugto ang mata niya sa luha.

Sabi ni Ate, nakipagsuntukan daw si Bien sa kaklase niya. Tumalikod lamang daw siya sandali dahil may importanteng sasabihin sa kaniya yung isang titser. Nang bumalik ang tingin niya sa mga bata, nakita niya si Bien na nakikipaghatakan sa kalase niya. Alam na ni Ate na magsusuntukan ang dalawa kaya tumakbo agad siya papunta dito. Subalit, hindi parin niya napigilan ang dalawa, kaya naman nasuntok si Bien sa ilong at dumugo ito. Dalawang butas daw ng ilong ni Bien ang dumudugo. Nakita ko ang uniporme ni Ate at pati pala ito ay may dugo rin, pati rin pala relo niya may dugo. Maya-maya napansin naming dalawa na pati pala paa niya natuluan ng dugo ni Bien.
Takot na takot si Ate kasi hindi lang naman yun ang unang beses na dinugo si Bien. May isa pang pagkakataon na nuo naman ni Bien ang dumugo dahil sa aksidente sa classroom.

Sa mga panahong may mga ganoong aksidente sa classroom, sabi ni Ate, ang titser lang ang umaagapay. Wala kasing clinic sa eskwelahan nila. Naalala ko tuloy noong nag-collapse ako sa school at super si Sir Jawo ang nag-asikaso na dalhin ako sa ospital dahil walang tao sa clinic. Hay, nakakahabag ang sitwasyon sa mga public school.
Pagkatapos ng buong araw ng physical, emotional, at mental stress na iyon ni Ate Noemi, hindi pa natatapos ang trabaho niya. Pag-uwi namin sa bahay, gumawa pa siya ng visual aids at lesson plan para sa susunod na araw na takdang aralin nila.
Sabi ni Mami, noong siya naman ang dumalaw kay Ate, dalawang studyante naman ni Ate ang nag-suka. O, Sir Jawo, kamusta naman, kayo isa lang ang nag-suka sa klase niyo.hehehe
Araw-araw binubuno ni Ate Noemi ang pag-tuturo sa public school. May stock kami sa bahay ng gulaman na niluluto ni Ate para maibsan ang sakit at pagkamalat ng kaniyang lalamunan. Ang tabchinching kong ate, lumiit na ang tila imposibleng papayat niyang hita dahil sa limang oras na pagtayo sa harap ng mga estudyante.
Pagdating ng sweldo, kakarampot parin ang natatanggap ni Ate Noemi. Sa unang apat na buwan ni Ate sa public school, wala siyang sinusweldo. Noong mga nakaraang buwan, 20 pesos lang ang nagagastos niya sa buong araw. Nagbabaon siya ng pagkain at pantricycle lang ang nagagastos niya. Nahihiya daw kasi siyang humingi kay Mami ng pera. Sa dami kasi ng pinuproblema ni Mami—pag-aaral ko, mga pinsan na walang pang-gastos at mga bayarin sa bahay—ayaw na ni Ate Noemi na dumagdag dito. Isang buwan na sweldo palang ang natatanggap ni ate simula noong June. Ito ay 10k. October na ngayon, pero sabi ni Ate, sa December na daw ang susunod niyang sahod.
Hindi ko lubos maisip kung paano natatagalan ni Ate na magtrabaho sa public school. Bilib ako sa tatag niya na kumapit parin sa kabila ng hirap na dinadanas niya doon.
Ngayon, bukod sa advocate na ako ng pagpapabagal ng epekto ng Global Warming (na ang dahilan ay dahil nahahabag ako sa mga bata sa classroom ni Ate sa sobrang init), ay advocate na rin ako ng 125-peso wage increase. Hindi dapat ipagkait sa mga public school teachers ang kaginhawaan sa buhay. Sana kahit papaano ay nacocompensate naman ng salary nila yung effort na binubuhos nila sa pagtuturo. Dapat, dito palang sa sarili nating bansa ay maramdaman na nila ang kaginhawaan. Ayokong mangibang-bansa ang Ate ko. Katulad ng mga instructor ko sa UP, isang mahusay na guro ang kapatid ko. Ayokong isipin na walang magagawa ang gobyerno para pigilan ang unti-unting pagkawala ng mga mahuhusay na guro sa bansa natin.
Madalas kong naririnig kay Ate Noemi ang katagang, “Ayoko na, isang taon lang talaga ako sa public school!” Pero, noong tinanong ko siya kanina kung ano’ng mararamdaman niya na next year maaring hindi na niya studyante yung mga tinuturuan niya ngayon, napatahimik siya. Natulala siya nang ilang sandali, kumunot ang nuo, saka napangiti.
Sa ngayon, sa tingin ko, kaiba kay Sir Arjay at Sir Amor, hindi pa talaga alam ni Ate Noemi ang dahilan kung bakit nanatili parin siya sa public school. Pero katulad ng pag-hanga ko sa mga college instructor ko, bilib ako sa Ate Noemi ko. Ang katunayan lamang na kahit wala siyang sinusweldo sa public school ay nanatili parin siya dito ay napapahanga na niya ako. Para sa akin, ang Ate Noemi ko ay isang “Wonder Titser.”
 

Thursday, October 23, 2008

sagada dokyu




para sa dokyu namin na "Siyak ni Pukdas" kinailangan naming magpunta sa Sagada. Ayun, first time ko kasing bumyahe ng umaga...super ganda ng daan...majestic!=) nagpunta din kami sa echo valley. yung mga bloody fine, hindi nag-sumaguing cave.hehehe kasama ako dun. at least may kubing na ako!hahaha

Saturday, October 11, 2008

Thursday, September 11, 2008

bog's 3D creation




kuha kayo ng 3D glasses, tapos makikita niyo, umaangat na 'tong picture ko..hehehe
ang galing galing talaga nitong batang ito...pramis...

ay may sinabi rin si von, "kumain ka ng polvoron na nka balot sa red and blue na celophane... pde na un..."

hahaha..i lab u von! super thankies

ai, you can check out von's t-shirt designs here.. http://www.designbyhumans.com/vote/detail/27847

Friday, September 5, 2008

september prayer

Dear Lord,

I pray that this month, You'd give me strength to endure the life threatening, academic experiences You are blessing me. Please let me live long enough to see my children's children.

I love You Lord! Help me grow in wisdom and knowledge.

Amen.

Friday, August 15, 2008

freshienyt'08




eto yung video ni cris...bio4 ang cute niya talaga.=)

Sunday, August 10, 2008

sir arjay news




si sir arjay nag-rereport...hehehe

gusto ko tong ipost para kay janela...hahaha

080808




sabi nila, swerte daw ang araw na to...

kaya kami...sinubukan nalang namin ang swerte namin sa pagpipcture...hehehe

sinwerte rin pala kami na makakuha ng picture ni sir arjay para kay janela...hehehe

OJT sa ABS-CBN, Baguio




heto ang mga pictures namin sa ojt namin sa abs...hehehe
included dito yung photos namin nung nag-shoot kami para sa energizer sa diplomat hotel at camp john hay...

grabe,in fairness, kayang i-spell ng crew at staff ang HAGGARD, bold ha.

pero rewarding naman...hahaha kasi...nakakkilig, may crush ako dun...hehehe

Thursday, August 7, 2008

mga pinsan kong bangag




hehehe nung christmas to at ang kagat labi dance nila...i super miss them na

Antipolo Maytime Festival




tuwing Mayo, nagdidiwang ang Antipolo ng Pista ng SUMAKAH. Dito, ipinagpapasalamat sa Panginoon ang masaganang ani ng mangga at kasoy at ang mabiling suman at hamaka sa nagdaang taon. Ito rin ang panahon ng umpisa ng ani ng mangga at kasoy. smiling face.

Ito yung mga kuha ko noong street dance. smiling face.

Tuesday, June 24, 2008

Inquirer Internship Days




Alam ko ang internship ko sa Inquirer ang pinakamasayang mga panahon sa buhay ko, so far...hehehe marami kasi akong natutunan dito. Nag-enjoy din ako nang bonggang bongga.hehehe

Sana lahat ng instructor sa mundo katulad ni Sir Jawo.=)

Saturday, May 31, 2008

umakyat si ina!!!




dahil binyag ni andreisse, anak ni aya, umakyat si ina para mag-ninang...hehehe

ang saya saya ko kasi miss na miss ko na si ina...super...hindi kasi nagkikita sa baba ayun.

nag-proxy nga pala ako para kay tacia sapag-nininangkay andreisse...=)


ina!! i meeeeeeshoooo!!!!

ayskrim days with pipay and marvin




noong summer...mahilig kaming mag-ayskrim nila pipay at marvin...laging may nanlilibre...hehehe at hindi ako yun...hahaha

ang sarap pag-tripan ni marvin sa picture...hehehe miss mo na si jolina?

si jer kasi bumababa tuwing weekends, ayan hindi tuloy siya kasama.

Thursday, May 29, 2008

SC 104 dress up day




nyaks...enjoy akong i-edit ito....

nejejebs ako nitong araw na 'to eh...kaya iniwan ko yung cam ko kela jer...ayun enjoy sila...hahaha

ayun nga...sikat ang pouting pose samin ngayon

legwork sa PIA




masipag naman kami ah?!!? mahilig lang tumambay...hahaha

ito yung nag-legwork kami sa PIA tapos first time kasi namin ni jer na makita ang the mansion kaya excite excite kami kunwari...hahaha

napagtripan din namin ni jer yung wishing feather at ang color accent ng camera ko...hehehe


at favorite pala namin mag-pout sa picturan

sir amor kasama ang film...=)




1st sem pa ito ng 07-08...hehehe noong magkabahay pa kami...isa ito sa mga kabaliwan namin...marami din ako'ng nakuhang tips kasi studyante niya ako noon sa photojourn, hehehe... tinulungan kasi ni sir amor na mag-conceptualize ng creative shot yung isa naming kabahay..UY! NAGPAALAM AKO HA!

kuya tj's recital




ayun recital nga ni kuya tj... graduate na pala siya ng masteral niya sa piano sa Diliman...centennial graduate...hahaha... magaling siyang piyanista...yun lang ang masasabi ko....magaling na din siyang magsalita ng German...hehehe

Wednesday, May 28, 2008

dalaw-dalaw




ito yung pictures ko nung dumalaw kami ni cha sa campus radio baguio para humingi ng ost ng tar-as kay sir dennis...hehehe wala lang, natuwa lang ako dun sa pictures.

premiere night ng katorse




nagpa-face paint kami nito!!!! ang ganda ng logo ng laf prod sa nag-gagandahang mga mukha namin!!hahahaha

pictures sa myusik biju ng tari-as




gumawa kami ng music video para sa ost ng tari-as na "the red light means go" hindi ko alam kung ano'ng naging itsura...hehehe...pero malaki pasasalamat namin sa sorry for sorrow sa pagpapahiram nila ng kanilang talento sa amin.=) magaling sila...pramis.

Wednesday, May 14, 2008

shooting ng Tari-As sa Session Road




ito 'yung huling eksena na magkikita sina Fanela at Kiko tapos na sa background si Roger...hehehe tinatamad na pala akong i-photoshop yung mga pictures kasi ang dami...hehehe

ang shooting sa camp 7




ito yung araw na nag-shoot kami sa camp 7 tapos nag-pictorial kami after. Ito ang Lost and Found Productions na nanalo nbg Best Cinematography sa Katorse para sa pelikulang "Tari-As"...=)

Saturday, April 26, 2008

Pagsusulat

hindi ko ugaling mag-sulat para  mabasa ng maraming tao...kaya nga hindi ako nag-boblog...Pero ito ang isa sa mahahalagang natutunan ko sa pagiging intern ng Inquirer, hindi ka dapat nagsusulat para sa sarili mo lang.

ito ang unang blog entry ko sa multiply site ko...at siguro nga, dapat lang na tungkol ito sa institusyon na kumakalinga sa akin sa mga panahong ito, bukod sa UP siyempre.

hindi ko pinangarap na magsulat sa diyaryo, kahit noong bata pa ako...gusto ko kayang maging animator! hmp! isa pa, Hmp! Pero kasi communication ang pinasahan ko sa UP... sabi nga nila basta nasa UP kahit hindi mo gusto ang kurso mo. 

masaya na ako dahil nasa UP ako... punong puno ako ng pag-asa...hahaha tignan mo nga naman ano.

nalampasan ko naman ang mga lower journalism subjects, yun nga lang hindi matataas ang grades ko...ang tumaas nga lang sa Dos na grade ko ay ang aking investigative reporting at photojournalism na subject. 

hindi ako masaya, disappointed and frustrated. Halos mag-empake na ako ng gamit ko at umuwi na sa amin. hindi ko na talaga kinakaya ang hirap.

Malaki ang pasasalamat ko na nakilala ko si Sir Jawo. Hay. the end. joke.

naging instructor ko siya sa news writing at sa investigative reporting. doon nabago ang pananaw ko sa journalism.

Si Sir Jawo kasi, pinakita niya sa akin how noble the journalism profession is. He lives and breathes journalism. napaka-ideyal niya. Malaki sa parte ng napakita niya sa amin tungkol sa pag-tatrabaho sa diyaryo puro magaganda...nakakainspire...nag-bigay siya sa akin ng konsepto ng heroism sa katauhan ng mga journalist, kung paano sila ang nagiging tagapasimula ng pag-babago sa bansa. hindi man halata sa akin, pero, pramis, naapektuhan ako ng quote sa mug ni Sir Jawo na, "Journalism is the closest thing I have to a religion."---Bill Kovach

Ngayong summer class, inenroll ko ang journ internship...dapat nga hindi na ako pasok, kaso napilitan si sir Amor na ipasok kaming mga hayok makapag-intern ngayong summer...haha

Noong, nag-phophotojourn subject pa ako, ginusto kong sa Sun Star makapag-intern. Dahil yun kay Ate Pau. Natuwa ako nung makita kong na-publish yung kuha niya sa diyaryong iyon. naisip ko, hindi malayong magawa ko rin yun. kaya simula noon, sinabi ko na sa Sun Star ako mag-iintern.

Akala ko, madali lang ang internship. nalaman ko, pag-gawa palang ng resume at ang mismong pag-hahanap ng diyaryong mapapasukan ay napaka-madugo na pala. Marami na raw sila sa Sun Star, imposibleng makapasok pa ako doon. kaya sumama nalang ako sa mga kaibigan ko na sa Inquirer nag-babalak pumasok.

Ayoko sa Inquirer, natatakot ako. Alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya. Community paper pa nga lang takot na takot na ako, paano pa kaya yung national.

Iniyakan ko ang mga unang araw ng mga klase namin. nawalan ako ng pag-asa na makapasok sa diyaryo. pangit daw ang resume ko. paano naman kasi...haha nakakatawa at nakakahiya ito...pare-pareho kami ng mga kaibigan ko, sila Janela at Jeraine, ng ginawang resume. ang tanga no? hehehe Nasabihan din ako, at ang mga kaibigan ko na hindi deserving na makapasok sa Inquirer. Isa pa, anim lang ang tatanggapin nila doon ngayon. Anim lang naman talaga kami na may gustong makapasok sa Inquirer. kaso nga lang, nadagdagan kami dahil hindi natanggap sa ibang dyaryo ang ilan sa mga kaklase ko. Lalo tuloy akong nawalan ng pag-asa. paano naman kasi, mas matatalino silang lahat sa akin.huhuhu

Nung araw ng nag-pasa kami ng resume at portfolio, sobrang halos maiyak na kaming mag-kakaibigan. alam namin na hindi kami matatanggap. may pag-kakataon pa nga na nagusap kami na kung paano kung mag-kahiwahiwalay kami at kung ano'ng gagawin namin kung hindi kami matanggap lahat. hindi ko nalang pinakita sa kanila, pero sobrang nagugulumihanan na ako nang mga panahong 'yon. chaka bawal akong ma-anxious noh, mag-collapse pa ako dun. 

noong hapon, pinabalik kami sa Inquirer, kaming siyam. noong una, sinasabi ni Sir Roly na anim lang ang tatanggapin niya kaya paano na ang sitwasyon namin. Maraming sinabi si Sir Roly tungkol sa trabaho sa diyaryo nila, na hindi lahat ng oras may ginagawa at mahirap makahanap ng storya na ka-lathalathala. Hindi din niya alam kung paano na ang gagawin niya dahil siyam kami at anim lang ang tatanggapin. Kaya nga, pinapasok niya si Sir Jawo. gusto kong umiyak nung nakita ko si Sir Jawo, pramis. At hanggang ngayon, gusto ko paring umiyak dahil sa pag-pasok ni Sir Jawo doon sa kwarto. sinabi niya na kaming siyam na ang tatanggapin nila. kakayanin niyang i-manage ang dami namin. 

Hinati niya kami sa mga mag-dedesk at nag-fifield. kami nila Janela napunta sa field sa unang dalwang linggo. Natira sa akin ang beat ng UP, DOH, DSWD at DOLE. Una pa lang may assignment na ako. pinacheck sa akin ni Sir Jawo kung may nag-fafile ng petition para sa wage increase. hay nako. bigo ako. wala naman. naisip ko kung makakapublish pa ba ako.

Pero nang isang maulang araw(huh?) pumunta kami sa office kasi si Janela may isusulat ng storya tungkol sa decision sa court. Walang mautusan noon si Sir Jawo kaya kami ni Jeraine ang pinadala niya sa palengke para mag-survey ng presyo ng bigas. tungkol kasi yun sa binubuo niyang storya sa pag-fluctuate ng presyo ng bigas nang mga nakaraang araw.

pinasulat niya sa amin pag-balik namin sa office. nang inedit niya, halos may natira.haha Umabot ng tatlong sentences yung natira sa sinulat namin ni Jeraine. sabi ni sir, kinuha na daw sa bucket niya, kaya malaki ang pag-asa na ma-publish ang storya. pero kinabukasan, wala ito sa dyaryo. Nakakalungkot.

nang sumunod na araw, kinailangna kong i-cover ang graduation ng UP. sulatan daw ng storya yung speech ni winnie monsod. nung nandon ako, hindi ko maisip-isip kung ano'ng anggulo ang isusulat ko, buti na nga lang nandoon si Tacia, tinulungan niya ako. Kailangan masulat ko na ang storya sa araw na yun, kaya bumalik na ako ng Inquirer.

inabot ako ng ilang oras sa pag-susulat. Ang bagal kong, mag-isip, ang bagal kong mag-sulat. wala ako'ng magawang lead na matino. hindi ko makita yung anggulo na dapat gamitin. nahihiya na nga ako kela Sir Jawo nun kasi mag-sasara na ang office hindi pa ako tapos. Tinulungan na ako ni Sir Vncent Cabreza kung ano'ng ilalagay ko sa lead. Siya pa ang nag-organize sa thoughts ko. Inupuan na ni Sir Jawo yung sinusulat ko sa sobrang tagal. Sinabi nalang niya na bukas ko na ipasa at tulungan na lang kami ni Tacia na isulat ang storya. I-transcribe ko nalang daw muna yung speech.

nakakahiya talaga. gusto ko nang umiyak sa hiya noon. hindi ko talaga kayang mag-sulat ng walang transcript. hindi ko kayang mag-rely sa notes ko; ang gulo kasi.

umuwi ako, ginupit ang bangs ko. ganun ako pag nadedepress; pinagdidiskitahan ko ang bangs ko. at least, hindi ko pa siya ginawang Audrey Hepburn. Ayun, nalabas ko naman ang sama ng loob ko sa gupitang naganap.

Kinabukasan, bingay ko na kay Tacia ang kopya ng sinulat ko at ang transcript ng speech. nang nasa Inquirer na siya, tinext niya ako. Nanlaki daw ang mata ko sabi ni Janela at Jeraine. Napublish ang storya namin tungkol sa rice prices dropping. Nanginginig ako nun. sobrang natuwa ako. hello?! Inquirer kaya yun! nakita ko yung diyaryo, nandoon ang pangalan namin ni Jeraine. At ang three column inches na sinulat namin, walang naputol!hahaha

Masaya ako nang araw na yun. kaya naman na-inspire akong i-edit nang maayos yung storya namin ni Tacia tungkol sa UP graduation. naka-ilang balik sa amin ang kopya, maraming pinabago si Sir  Jawo. Pero okay lang, kahit buong araw pa kaming mag-balikan ng kopya; masaya ako noon eh.hahaha

noong inedit ni Sir Jawo, wala siyang tinira. pramis. kahit quotations, pinaltan niya. binasa na nga niya yung transcript ng speech. siya na gumawa ng lahat.

pero masaya ako, kasi maganda ang kinalabasan.=) Favorite part ko sa araw na yun yung sinabi ko na masyadong maraming quotations yung inedit ni Sir, ang pangit tignan. sabi ni Sir, "So(h)?" Okay. nakakatuwa siya. 

ang alam ko hindi na ipapass ang storya na yun kasi huli na. pero si Sir pinasa parin, tignan daw namin baka makatiyamba.

 Noong gabi, na kela Janela kami. Tumawag si Sir Jawo. Nakakahiya nga kasi, nung sinabi ni Sir Jawo na siya yun, nataranta na ako. sinabi niya na nasa breaking news sa inquirer.net ang storya namin ni Tacia. nagsisigaw na kami nila Janela. Nagtatalon. Sana hindi nabingi si Sir.haha

Masarap ang pakiramdam ko na nakita ko ang pangalan ko sa diyaryo at sa internet. Pero higit doon, mas naging maligaya ako nang maramdam ko kung gaano ka-saya sila Mami at Dadi nang mabasa nila ang kopya ko. kahit three column inches lang yun, parang nakatanggap na ako ng international award para sa mga magulang ko. alam ko, masaya sila dahil naging anak nila ako. Sila Janela masaya rin noong mga panahong 'yon. Alam kasi nila na kaparte sila ng kung ano'ng meron ako, dahil kaibigan ko sila, at magkakasama kami sa lahat ng bagay. Si Sir Jawo, nag-hifive sakin nung dumating ako sa office. Kung wala siya, wala ang storyang yun. 

Hindi pala para sa sarili ko ang pag-susulat. dati kasi, nag-susulat ako para lang makapasa sa isang subject. Yung iba kong sinusulat, ayokong may ibang nakakabasa, "for personal consumption" lang sila. Doon ko kasi napapasaya ang sarili ko. pero nung naramdaman ko ang saya na nahahatid ng pagsusulat ko sa ibang tao, kay Mami, kay Dadi, sa mga kaibigan ko, kay Sir Jawo, alam ko na hindi ko pala dapat sinasarili ang pag-susulat, dapat binabahagi ko ito.

Salamat ate Charo. hehehe

Salamat kay Lord. Sala,at kay Mami at Dadi. Salamat sa Inquirer. Salamat kay Sir Roly. Salamat kay Sir Jawo, mahal kita...hindi ka lang basta nag-tuturo, nag-tuturo ka para kami ay matuto. Hanggang ngayon, pinagpapasalamatan ko parin si Sir Jawo dahil may isang araw na nag-malasakit siya sa akin at dinala niya ako sa ospital. pero, higit doon, pinag-papasalamatan ko siya dahil sa pag-mamahal niya sa journalism.

*smiling face* para kay Sir Amor, ay lab yu!

Wednesday, April 9, 2008

photo journ


pinost ko to sa exhibit namin sa photojourn

hehe wala lang, ito yung mga pictures ko nung nag-photojourn ako kay sir amor...ayun kahit pangit yung iba, ipopost ko parin, bakit ba...eh nagagandahan ako eh! ayun, sana sumali kayu dun sa photojourn club na itatayo ni sir amor...super masaya yun!

ay yung iba pala hindi sa photojourn class ko.

Sunday, April 6, 2008

idol ko si sir jawo!




Ito na ang most awaited album ni ____, _____, _____, _____, at ni_____ ! hahahah Halos lahat dito kuha ni Jer, sorry, hindi ko na rin na-edit itong mga ito kaya medyo hindi matino hehe. Lab yu guys! Si Sir Jawo ang pinaka-inspiring na guro ng kaniyang propesyon na nakilala ko. idol ko siya. Pagkatapos pala ito ng defense namin sa investigative report, yung iba, during class.

Saturday, March 29, 2008

sagada


dito nag-surrender si yamashita

nag-field trip kami sa ifugao at sagada, masaya naman, kahit pinagod kami nang sobra.haha nagalit pa si sir javar sakin, hehe sana napatawad na niya ang kakulitan ko hehe

Thursday, March 27, 2008

shooting sa inquirer




si sir roly ang aming bigating extra! hehehe in fairness, givsung na givsung siya nun! grabe miss ko nang pumunta dito...ang kukulit ng mga tao...hehehe idol ko si sir jawo, "from the scale of 1-10, how would you rate your satisfaction from work?"
Sir Jawo: "10, I'm satisfied."

familia zaragoza/pepe squad




hehe wala kaming magawa, eh may tripod...hehehe

Friday, March 7, 2008

Monday, February 18, 2008

'da pepe squad




dahil alam kong nagtatampo na si jeraine at hindi ako nakakapagupload ng photos namin dito...hehehe eto na, nasa usb ko lang siya, wala lang akong time para mag-net...ngayong may sakit ako, nagkaron na ako ng time! yehei!

christmas cantata




dahil wala ako'ng nakuhang pwedeng mag-take ng pictures namin during the performance, mga behind the scenes na naman ang pics ko.

toplightbbc commercial pics




gumawa kami ng mala-ad na message para sa recollection sa church...ito yung mga pictures namin behind the scenes.=)

Sunday, January 13, 2008

shiloh field trip '07




Nung sem break namin sa U.P. sumama ako sa field trip ng Shiloh, ang aking pinakamamahal na pamantasan nung high school. nagpunta kami sa air base, sa monde nissin, at tagyatay leisure farm. nag-enjoy ako sobra sa nosebleeding barok english tour guide namin. lalo na ng sinabi niyang si "Rudolph Hitler" ang nagsimula ng World War II. mahusay.
Tour guide:
"On this side is the Laguna De Bay, so, why are you naming that?"
Zach:
*Nosebleed*

Tuding




Last semester, nag-karon kami ng quest for the waterfalls of Tuding. Unfortunately, panay lakad, bato-bato, at alikabok ang natamo namin...tuyong tuyo ang Tuding, kamusta naman? Ang masaya dun yung mga picture picture moments namin...hehehe chaka yung tulay na hindi namin matawid ni Weng dahil may dog...hehehe

Friday, January 11, 2008

Charrific!!!




Terrific Cha!!! Hehehe Last semester pa ito. Ang pag-momoda ni Bestfriend, kasama narin ang mga pictures namin nung Chikowskee...I still can't believe I watched it...hehehe emo na ako? Kasama rin pala si Ro-Hann..=)