hindi ko ugaling mag-sulat para mabasa ng maraming tao...kaya nga hindi ako nag-boblog...Pero ito ang isa sa mahahalagang natutunan ko sa pagiging intern ng Inquirer, hindi ka dapat nagsusulat para sa sarili mo lang.
ito ang unang blog entry ko sa multiply site ko...at siguro nga, dapat lang na tungkol ito sa institusyon na kumakalinga sa akin sa mga panahong ito, bukod sa UP siyempre.
hindi ko pinangarap na magsulat sa diyaryo, kahit noong bata pa ako...gusto ko kayang maging animator! hmp! isa pa, Hmp! Pero kasi communication ang pinasahan ko sa UP... sabi nga nila basta nasa UP kahit hindi mo gusto ang kurso mo.
masaya na ako dahil nasa UP ako... punong puno ako ng pag-asa...hahaha tignan mo nga naman ano.
nalampasan ko naman ang mga lower journalism subjects, yun nga lang hindi matataas ang grades ko...ang tumaas nga lang sa Dos na grade ko ay ang aking investigative reporting at photojournalism na subject.
hindi ako masaya, disappointed and frustrated. Halos mag-empake na ako ng gamit ko at umuwi na sa amin. hindi ko na talaga kinakaya ang hirap.
Malaki ang pasasalamat ko na nakilala ko si Sir Jawo. Hay. the end. joke.
naging instructor ko siya sa news writing at sa investigative reporting. doon nabago ang pananaw ko sa journalism.
Si Sir Jawo kasi, pinakita niya sa akin how noble the journalism profession is. He lives and breathes journalism. napaka-ideyal niya. Malaki sa parte ng napakita niya sa amin tungkol sa pag-tatrabaho sa diyaryo puro magaganda...nakakainspire...nag-bigay siya sa akin ng konsepto ng heroism sa katauhan ng mga journalist, kung paano sila ang nagiging tagapasimula ng pag-babago sa bansa. hindi man halata sa akin, pero, pramis, naapektuhan ako ng quote sa mug ni Sir Jawo na, "Journalism is the closest thing I have to a religion."---Bill Kovach
Ngayong summer class, inenroll ko ang journ internship...dapat nga hindi na ako pasok, kaso napilitan si sir Amor na ipasok kaming mga hayok makapag-intern ngayong summer...haha
Noong, nag-phophotojourn subject pa ako, ginusto kong sa Sun Star makapag-intern. Dahil yun kay Ate Pau. Natuwa ako nung makita kong na-publish yung kuha niya sa diyaryong iyon. naisip ko, hindi malayong magawa ko rin yun. kaya simula noon, sinabi ko na sa Sun Star ako mag-iintern.
Akala ko, madali lang ang internship. nalaman ko, pag-gawa palang ng resume at ang mismong pag-hahanap ng diyaryong mapapasukan ay napaka-madugo na pala. Marami na raw sila sa Sun Star, imposibleng makapasok pa ako doon. kaya sumama nalang ako sa mga kaibigan ko na sa Inquirer nag-babalak pumasok.
Ayoko sa Inquirer, natatakot ako. Alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya. Community paper pa nga lang takot na takot na ako, paano pa kaya yung national.
Iniyakan ko ang mga unang araw ng mga klase namin. nawalan ako ng pag-asa na makapasok sa diyaryo. pangit daw ang resume ko. paano naman kasi...haha nakakatawa at nakakahiya ito...pare-pareho kami ng mga kaibigan ko, sila Janela at Jeraine, ng ginawang resume. ang tanga no? hehehe Nasabihan din ako, at ang mga kaibigan ko na hindi deserving na makapasok sa Inquirer. Isa pa, anim lang ang tatanggapin nila doon ngayon. Anim lang naman talaga kami na may gustong makapasok sa Inquirer. kaso nga lang, nadagdagan kami dahil hindi natanggap sa ibang dyaryo ang ilan sa mga kaklase ko. Lalo tuloy akong nawalan ng pag-asa. paano naman kasi, mas matatalino silang lahat sa akin.huhuhu
Nung araw ng nag-pasa kami ng resume at portfolio, sobrang halos maiyak na kaming mag-kakaibigan. alam namin na hindi kami matatanggap. may pag-kakataon pa nga na nagusap kami na kung paano kung mag-kahiwahiwalay kami at kung ano'ng gagawin namin kung hindi kami matanggap lahat. hindi ko nalang pinakita sa kanila, pero sobrang nagugulumihanan na ako nang mga panahong 'yon. chaka bawal akong ma-anxious noh, mag-collapse pa ako dun.
noong hapon, pinabalik kami sa Inquirer, kaming siyam. noong una, sinasabi ni Sir Roly na anim lang ang tatanggapin niya kaya paano na ang sitwasyon namin. Maraming sinabi si Sir Roly tungkol sa trabaho sa diyaryo nila, na hindi lahat ng oras may ginagawa at mahirap makahanap ng storya na ka-lathalathala. Hindi din niya alam kung paano na ang gagawin niya dahil siyam kami at anim lang ang tatanggapin. Kaya nga, pinapasok niya si Sir Jawo. gusto kong umiyak nung nakita ko si Sir Jawo, pramis. At hanggang ngayon, gusto ko paring umiyak dahil sa pag-pasok ni Sir Jawo doon sa kwarto. sinabi niya na kaming siyam na ang tatanggapin nila. kakayanin niyang i-manage ang dami namin.
Hinati niya kami sa mga mag-dedesk at nag-fifield. kami nila Janela napunta sa field sa unang dalwang linggo. Natira sa akin ang beat ng UP, DOH, DSWD at DOLE. Una pa lang may assignment na ako. pinacheck sa akin ni Sir Jawo kung may nag-fafile ng petition para sa wage increase. hay nako. bigo ako. wala naman. naisip ko kung makakapublish pa ba ako.
Pero nang isang maulang araw(huh?) pumunta kami sa office kasi si Janela may isusulat ng storya tungkol sa decision sa court. Walang mautusan noon si Sir Jawo kaya kami ni Jeraine ang pinadala niya sa palengke para mag-survey ng presyo ng bigas. tungkol kasi yun sa binubuo niyang storya sa pag-fluctuate ng presyo ng bigas nang mga nakaraang araw.
pinasulat niya sa amin pag-balik namin sa office. nang inedit niya, halos may natira.haha Umabot ng tatlong sentences yung natira sa sinulat namin ni Jeraine. sabi ni sir, kinuha na daw sa bucket niya, kaya malaki ang pag-asa na ma-publish ang storya. pero kinabukasan, wala ito sa dyaryo. Nakakalungkot.
nang sumunod na araw, kinailangna kong i-cover ang graduation ng UP. sulatan daw ng storya yung speech ni winnie monsod. nung nandon ako, hindi ko maisip-isip kung ano'ng anggulo ang isusulat ko, buti na nga lang nandoon si Tacia, tinulungan niya ako. Kailangan masulat ko na ang storya sa araw na yun, kaya bumalik na ako ng Inquirer.
inabot ako ng ilang oras sa pag-susulat. Ang bagal kong, mag-isip, ang bagal kong mag-sulat. wala ako'ng magawang lead na matino. hindi ko makita yung anggulo na dapat gamitin. nahihiya na nga ako kela Sir Jawo nun kasi mag-sasara na ang office hindi pa ako tapos. Tinulungan na ako ni Sir Vncent Cabreza kung ano'ng ilalagay ko sa lead. Siya pa ang nag-organize sa thoughts ko. Inupuan na ni Sir Jawo yung sinusulat ko sa sobrang tagal. Sinabi nalang niya na bukas ko na ipasa at tulungan na lang kami ni Tacia na isulat ang storya. I-transcribe ko nalang daw muna yung speech.
nakakahiya talaga. gusto ko nang umiyak sa hiya noon. hindi ko talaga kayang mag-sulat ng walang transcript. hindi ko kayang mag-rely sa notes ko; ang gulo kasi.
umuwi ako, ginupit ang bangs ko. ganun ako pag nadedepress; pinagdidiskitahan ko ang bangs ko. at least, hindi ko pa siya ginawang Audrey Hepburn. Ayun, nalabas ko naman ang sama ng loob ko sa gupitang naganap.
Kinabukasan, bingay ko na kay Tacia ang kopya ng sinulat ko at ang transcript ng speech. nang nasa Inquirer na siya, tinext niya ako. Nanlaki daw ang mata ko sabi ni Janela at Jeraine. Napublish ang storya namin tungkol sa rice prices dropping. Nanginginig ako nun. sobrang natuwa ako. hello?! Inquirer kaya yun! nakita ko yung diyaryo, nandoon ang pangalan namin ni Jeraine. At ang three column inches na sinulat namin, walang naputol!hahaha
Masaya ako nang araw na yun. kaya naman na-inspire akong i-edit nang maayos yung storya namin ni Tacia tungkol sa UP graduation. naka-ilang balik sa amin ang kopya, maraming pinabago si Sir Jawo. Pero okay lang, kahit buong araw pa kaming mag-balikan ng kopya; masaya ako noon eh.hahaha
noong inedit ni Sir Jawo, wala siyang tinira. pramis. kahit quotations, pinaltan niya. binasa na nga niya yung transcript ng speech. siya na gumawa ng lahat.
pero masaya ako, kasi maganda ang kinalabasan.=) Favorite part ko sa araw na yun yung sinabi ko na masyadong maraming quotations yung inedit ni Sir, ang pangit tignan. sabi ni Sir, "So(h)?" Okay. nakakatuwa siya.
ang alam ko hindi na ipapass ang storya na yun kasi huli na. pero si Sir pinasa parin, tignan daw namin baka makatiyamba.
Noong gabi, na kela Janela kami. Tumawag si Sir Jawo. Nakakahiya nga kasi, nung sinabi ni Sir Jawo na siya yun, nataranta na ako. sinabi niya na nasa breaking news sa inquirer.net ang storya namin ni Tacia. nagsisigaw na kami nila Janela. Nagtatalon. Sana hindi nabingi si Sir.haha
Masarap ang pakiramdam ko na nakita ko ang pangalan ko sa diyaryo at sa internet. Pero higit doon, mas naging maligaya ako nang maramdam ko kung gaano ka-saya sila Mami at Dadi nang mabasa nila ang kopya ko. kahit three column inches lang yun, parang nakatanggap na ako ng international award para sa mga magulang ko. alam ko, masaya sila dahil naging anak nila ako. Sila Janela masaya rin noong mga panahong 'yon. Alam kasi nila na kaparte sila ng kung ano'ng meron ako, dahil kaibigan ko sila, at magkakasama kami sa lahat ng bagay. Si Sir Jawo, nag-hifive sakin nung dumating ako sa office. Kung wala siya, wala ang storyang yun.
Hindi pala para sa sarili ko ang pag-susulat. dati kasi, nag-susulat ako para lang makapasa sa isang subject. Yung iba kong sinusulat, ayokong may ibang nakakabasa, "for personal consumption" lang sila. Doon ko kasi napapasaya ang sarili ko. pero nung naramdaman ko ang saya na nahahatid ng pagsusulat ko sa ibang tao, kay Mami, kay Dadi, sa mga kaibigan ko, kay Sir Jawo, alam ko na hindi ko pala dapat sinasarili ang pag-susulat, dapat binabahagi ko ito.
Salamat ate Charo. hehehe
Salamat kay Lord. Sala,at kay Mami at Dadi. Salamat sa Inquirer. Salamat kay Sir Roly. Salamat kay Sir Jawo, mahal kita...hindi ka lang basta nag-tuturo, nag-tuturo ka para kami ay matuto. Hanggang ngayon, pinagpapasalamatan ko parin si Sir Jawo dahil may isang araw na nag-malasakit siya sa akin at dinala niya ako sa ospital. pero, higit doon, pinag-papasalamatan ko siya dahil sa pag-mamahal niya sa journalism.
*smiling face* para kay Sir Amor, ay lab yu!